Makakabalik ka nga sa lugar..
..pero hindi sa panahon.
Makikita mo ulit ang taong minamahal mo..
..pero hindi na mauulit ang naramdaman ninyo noon.
Lahat ng nangyari noon..
..isa na lamang masayang gunita ngayon,
..isang bintana sa kahapon,
..na paminsan-minsan ay gusto mong masulyapang muli..
Sabay bulong sa sarili,
"Sana, pwedeng ibalik ang mga nangyari noon..
..para magawa kong tama ang mga maling desisyon ng pagkakataon.."
No comments:
Post a Comment